…one year after…

i started blogging july of last year…and after 1 or 2 entries…i stopped…and here i am again..trying to update the world on whats been happening to me…whats on my thoughts…what happened to my dreams..and what hopes i have now…and so…here goes…

hmmm isang taon!!!  at buhay pa rin ako! God is so good!  Just got my renewed work pass here in SG..another year of hard work!!…pero masaya ko..masaya ko na nandito pa din ako, na nalampasan ko ang lungkot, ang kasungitan ng ibang singaporean, ang katahimikan pagpasok ko sa kwarto ko pagkagaling sa trabaho habang tinitignan ko ang mga picture sa photo frame na nasa ibaba ng bookshelf ko…masaya ko na kahit paano ay natuto akong magluto..kahit alam kong ako lang nakakain ng luto ko..masaya ko dahil may mga kaibigan ako na laging nandyan para umalalay..isang taon na punung puno ng saya, lungkot, mga bagong kaibigan, mga bagay na pinagsisihan, at mga aral na natutunan…

SAYA                                  

— nalaman ko na buntis si michelle, woohooo!!!  my very own pamangkin!!

— grumaduate na si nikko sa high school…college na sya ngayon, 4 years to go!!!

— nakapunta ko ng myanmar on my own!  =)

LUNGKOT

— mga problemang dumating sa pamilya at sa mga kaibigan ko na halos wala akong nagawa dahil nandito ako

— naospital at naoperahan ako dahil sa apendicitis..felt so alone during that time…sa tulong ng mga kaibigan at sa pag alaga ni mama, eto, buhay pa ko..

BAGONG KAIBIGAN

— sa loob ng isang taon, nakakita ko dito ng mga bagong kaibigan…si don, si reggie, si archie, si cocoy, mga hawsmates ko dati, si shen, si janice, si sophia, mga classmates ko sa mandarin class

BAGAY NA PINAGSISIHAN

— sa loob ng isang taon…dami akong maling nagawa, mga di magandang nasabi, mga taong nasaktan at napabayaan…pero…isa lang ang pinagsisisihan ko…akin na lang yun…bulong ko na lang sa TAAS..

ARAL NA NATUTUNAN

— thats its ok to feel something for somebody, what matters is how you’ll act on it

— that giving up does not mean you’re weak..it only means you’re strong enough to let go..

— that there’s more to life than just being happy

— that people would come to our lives for a reason, for a season and for a lifetime…di lahat, andyan sa tabi mo for life… at kung sakali mang may umalis…tanggapin mo na lang na tapos na ang purpose nila sa buhay mo and that you should move on.

— that i should not depend my happiness on other people…period.

— totoo pala, nagbabago ang mga kaibigan pag nasa malayo na…yung iba, mas nakilala ko ang ugali, yung iba naman, mas napalapit ako.  siguro..ako rin..nagbago…

Habang iniisip ko…ano nga ba ang nagyari in the past year…narealize ko…im still the same old me…

pagod na ko sa pag-isip….sometimes its so hard to look back…i’ve always wanted a life which will make me smile when i look back…i guess its harder than i thought it would be…siguro..it would be better to just look forward…goodluck to me!

 

One Response to “…one year after…”

  1. Madel Says:

    infairness, nahihilig ka sa enumeration.at kelan ka pa natutong maging ganito? pero totoo dude,we can make our own happiness but no one can make us happy.tagal ko na din pngaaralan yan.kse thats the only way to learn how to accept things and people as they are.para d na tyo madisappoint at sumama ang loob.well ganyan talaga buhay.d bale dami mo naman blessings e.

Leave a Reply