things that i miss…
…was talking to a friend in email today…umuulan daw sa pinas..at may bagyo..ewan ko ba…biglang dami ko namiss….
- miss ko na maligo sa ulan, tumapat sa alulod at maglaro kasama ang mga bata dun sa longos…
- miss ko na champorado ni mama
- miss ko kumain ng daing na isasawsaw sa suka
- miss ko na matulog sa double deck naming magkakapatid
- miss ko na yung unan kong malambot
- miss ko ng maglakad papuntang bayan pagkatapos ng ulan
- miss ko na ang sampalok na binibili ko sa palengke
- miss ko na ang ensemada sa Virginia’s bakery
- miss ko na yung papasok ako sa office, tas pauuwiin pag may bagyo
- miss ko na ang sinigang na baboy na sobrang asim
- miss ko na starbucks sa 6750
- miss ko na coffeemates ko
- miss ko na yung upuan sa taas ng rockwell sa may arcade
- miss ko na ang glorietta, ang foodchoices, ang sbarro, ang bacolod inasal, ang G4 cinemas
- miss ko ng maglaro ng time crisis at drum mania sa timezone
- miss ko ng maglaro ng tennis
- miss ko na yung apartment ko sa bangkal
- miss ko na kakikayan ni lei
- miss ko na mga telenobela sa ch 2
- miss ko na ang ingay ng karaoke sa kapitbahay
- miss ko na barbeque ni dicheng lily
- miss ko na ang mga bata dun sa longos
- miss ko na yung mga naging kaibigan ko sa maybank at nestle
- miss ko na ang mga kaibigan kong nakilala ko sa iba ko pang mga kaibigan
- miss ko na nanay at tatay ko
- miss ko na mga kapatid ko…si michelle, si happy at si nikko at si jojo
- miss ko ng sobra yung bestfriend ko na matagal ko ng di nakikita at nakakausap
- miss ko na ang simple at tahimik na buhay…sa longos, sa bangkal, sa pinas
- miss ko na ako…yung dating ako..noon
July 12th, 2006 at 2:01 am
putek! ano ba problema? ano na nangyayari syo? parang mas lalo ka pang nging senti ha.
ito d mo ba naaalala pag me bagyo:
1. me landslide
2. lubog ang buong espana(ket d ka tagadun)
3. dami stranded
4. baha sa quezon
5. tsunami sa ibang bansa
6. nabasang sapatos na mghapon mo shinayn
7.nakalimutan mo payong mo
8. nakalimutan ng officemate mo payong nya.
9. bumaligtad na payong
10. lumipad na yero
dude! dami pa mas mabigat na problema jan…pero ang mas mabigat pag malungkot ka at d mo alam ang dahilan at ang pinakamahirap…malungkot ka at alam mo kung ano ang dahilan.
July 14th, 2006 at 4:23 am
isa lang ang solusyon dyan kaibigan… uwi ka na muna sandali dito sa pinas—karen
February 1st, 2007 at 9:02 am
hi rachel… don;t worry, di k nag-iisa! i feel the same sentiments as you… ganun tlga, that’s life… lots to sacrifice to pursue a dream… KEEP IT UP, GIRL! kaya mo yan….
August 2nd, 2007 at 12:06 am
Hu tunay ba yan? Miss mo na ba kami d2!
Miss ka na rin namin!
Kaya lang as of now, ala paring gaanong ulan dito ngayon sa Bulacan…”el nino at tag-tuyot nga sa ngayon!”
Dasal nga ng mga magsasaka at ng simbahan - umulan sana!
Musta ka na dyan, miss na rin kita!
Ingat kang palagi ha?
At tawa naman dyan!
October 24th, 2008 at 10:38 pm
OMG! ngaun ko lang nabasa ‘to! hahaha! naaliw ako sa mga na-missed mo! ba’t kmi wala dun sa mga nami-missed mo? nyahaha! Sa totoo lang.. dami ko ding nami-missed…waaaaaaaaaaaa! Missed ko na rin gumimik kasama ung mga honda friends natin.. parang lahat pre-occupied ng maraming bagay sa buhay-buhay nila… kahit sa email madalang sumagot! pag nag txt ka rin, wala ring sagot. Sasagot lang cla sau ng Yes, No.. sinasayang ang piso sa pag reply huh!
Gusto ko ring pumunta ng Singapore at i-try ang buhay dyan.. kaso.. kawawa naman mga babies ko.. ke-gwa-gwapo pa naman! wahehehe!
Un! un lang! nag senti lang din ako.. kahit na ang tagal mo ng na-post ito.. hahahaha!